Maipagmamalaking masasabi ng mga taga California ito: ginawa ng California ang mas higit pang makabuluhang pagpapabuti sa ating mga batas sa halalan at nagpalawak pa ng mga karapatang bumoto nang higit sa iba pang mga estado.
Ang kaugnayan ng tagumpay na ito ay napapalalim pa habang tayo ay naghahandang ipagdiwang ang ika-60 na taong anibersaryo ng Voting Rights Act sa susunod na taon. Ang makabuluhang batas na ito ay nagsimula na makakalas sa mahabang kasaysayan ng panunupil, pananakot at pagtanggal ng karapatang naranasan ng higit na maraming mga Amerikano sa mga halalan sa maraming mga dekada.
Ang aking sariling mga magulang, na naging mga manggagapas, ay tinanggihan ang kanilang karapatang bumoto nang panahon ni Jim Crow sa Timog. Bago lumipat sa Los Angeles mula sa Hope, Arkansas, ang aking mga magulang, David at Mildred Nash, ay hindi makaboto. Ang aking tatay ay nasa hustong gulang na may anim na anak bago siya ay nakapagrehistro para bumoto at nagawang gamitin ang kanyang karapatang bumoto ayon sa saligang batas sa unang pagkakataon dito sa California.
Bilang Kalihim ng Esdtao ng California, hindi ko tinuturing nang magaan ang pag-unlad na ating naisagawa sa nakaraang mga taon. Ako at ang aking mga tauhan ay pinanghahawakan nang buong galang ang tungkulin na matiyak na ang mga halalan ay ligtas, malaya, pantay, at sa maisasagawa ng lahat. Kaya, bago pagtibayin sa Disyembre 13 ang mga kinalabasan ng halalan sa taong ito, nagsagawa kami ng ilang hakbang na matiyak na ang bawat boto ay mabilang. Tiniyak rin naming na ang ang pamamaraan ng pagbilang ng boto ay mapagkakatiwalaan at malaya sa anumang panghihimasok.
Upang makaabot sa huling araw nang walang sagabal, inatasan ng California ang lahat ng mga pamunuan ng halalan sa lahat ng mga 58 counties na ibigay ang kanilang opisyal na kinalabasan ng halalan sa isang takdang araw. Sa taong ito, ang araw na yun ay Dec. 6.
Ayon sa batas, ang bawat karapat-dapat na botante sa ating estado ay tatanggap ng isang vote-by-mail ballot. Ito ay titiyak na ang lahat ng mga rehistradong botante ay maisasagawa ang kanilang karapatang bumoto.
Kahit pa ang hinulog mo ang iyong boto sa tinakdang drop-off box, bumoto sa pamamagitan ng koreo, o tuwirang bumoto sa isang polling center, ang mga boto ay ligtas at mapagkakatiwalaan. At hinahayaang naming makatanggap ng text message, email, o voice call notifications tungkol sa kinatatayuan ng kanilang mga sariling balota sa paggamit ng Where’s My Ballot?.
Ang mga balota ng mga taga-Californiang bumoto sa pamamagitan ng koreo ay napangalagaan din. Ang United States Postal Service ay nakipagtambal sa Estado para matiyak na upang matiyak na ang mga balota ay maihahatid sa tamang panahon. Ang lahat ng mga mailed-in ballots ay pinadadala sa pamamagitan ng First Class mail na may isang postage-paid envelope na inilaan sa bawat botanteng rehistrado.
Ang Election Security o Kaligtasan ng Halalan ang aming inuuna. Kaya ang aking tanggapan ay nag-ukol at nagpatupad ng isang programang magsasagawa ng pangakong ito.
Dagdag pa rito, ang California ay nagsagawa ng mga hakbang na pang-iwas upang makatiyak na ang ating teknolohiyang paghahalan ay mapanatiling ang ating mga halalan ay ligtas at pinangangalagaan ang boto ng lahat.
Halimbawa, ang mga pamamaraan ng halalan ng county ay hindi nakakabit sa internet na nangangalaga nito laban sa mga cyberthreats. Ang estado ay nagsasagawa rin ng palagian at masusing pagsubok upang matiyak na ang mga pamamaraan ng halalan ay gumagana nang pinakamainam at nagpapahintulot lang ng mga access sa may kapangyarihang mga tao.
Ang mga tauhan ay sinanay rin patungkol sa phishing at cybersecurity.
Susi rin ang VoteCal, ang tanging centralized voter registration system ng estado. Ang pamamaraan ay palagiang updated o binabago at ginagamit bilang pinagkukunan ng mga counties upang mapatunayan ang mga lagda.
Ang California ay naglalaan ng kaligtasan sa lahat ng mga lugar ng pagbibilang at tinitiyak na ang mga drop-off boxes ay ligtas at tinatanuran.
Ang lahat ng mga pamamaraan ng halalan ay bukas din sa mga pagmamasid tuwing mga tinakdang oras.
Sa aking tungkulin bilang Kalihim ng Estado ng California, wala nang mas mahalaga sa akin kundi ang ipagtanggol ang ating demokrasya. Ako ay nangangakong pangalagaan ang mga karapatang bumoto, at pangunahan ang ating estadong itaguyod ang pinakamataas na pamantayang demokrasya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga patakaran at kaugaliang mapagkakatiwalaan at maasahan ng mga taga-California at lahat ng mga Amerikano para sa mga panuto at pag-asa. —Shirley N. Weber, PhD, Kalihim ng Estado ng California
Maaari kayong makipag-ugnayan sa California Office of the Secretary of State sa 1-800-345-Vote o [email protected] para sa mga katanungan o upang mag-ulat ng mga kahinahinalang pangyayari o katiwalian. Ang mga karagdagang kaalaman ay makukuha sa www.sos.ca.gov at sa mga social media platforms ng tanggapan:
Instagram: @californiasos_
Facebook: Facebook.com/CaliforniaSOS
X: @CASOSVote