Federico A. Espiritu
Nagpupugay muli ang Dual Voice sa pahayagang ito na kalulunsad lamang nitong Ika-13-14 ng Agosto sa 29th Pistahan Parade and Festival na masayang isinigawang muli sa Yerba Buena Gardens sa San Francisco matapos ang dalawang taong birtuwal na pagpipiyesta dahil sa Covid pandemic. Nakagagalak mamalas na ang The Filipino American Post ang tanging pahayagan na masiglang ipinamahagi at kinagiliwang basahin ng mga libo-libong kababayang Pilipino-Amerikano nasabik sa muling pagbabalik ng pinakamalaking pagtitipon at pagdiriwang ng mga FilAm sa buong America.
Dual Voice opened in the Filipino language because it was originally intended in 2013 to be a bilingual column aiming to be the voice of the Filipino-speaking Kababayans and also for those born or raised in the USA who may no longer possess a fluent handle of the native tongue and already communicate prevalently in the language of their adopted home. In the recent past, however, while Dual Voice wanted to reach out to both targeted FilAm audiences, the writings became frequently English borne out of the necessity to connect with the younger readers. This column will adopt the same original approach for effective understanding as the case may be. Dual Voice earlier delved into topics on goodness, Godliness, evangelization, and raised hope if not inspiration. The present metamorphosis will include being FilAm writings in the context of our race’s history, heritage, culture, and the arts through the ages.
Visitors and revelers once more trooped to the streets of San Francisco and promenaded the Yerba Buena Gardens in the SOMA District to savor the resumption of the live Pistahan Parade and Festival that went virtual since 2019 as most of us took sheltering precautions during the onslaught of the pandemic. Many spent dollars on vigorous shopping sprees of any items or filled their bags with freebies representing our homeland in the many booths that showcased being FilAms. Most festival guests delighted in watching performances on stage as they enjoyed the kind summer Phoebus Lamp and savored Pistahan’s 2022 theme “Homecoming: Connect with our Roots and Community.”
Sa Art Pavilion na pinangasiwaan ni Propesor Edwin Lozada, dinumog ang mga likhang sining ng sinaunang pagsulat ng ating mga ninuno na Baybayin ni Ian Lucero na nagsusulong rin ng Caligra Filipino, makabagong pagguhit ni Nonie, Cruzado, 5-minutong karikatura ni Eli Africa, ang popular na “Embedded Bricks” na pagtatanghal ni Cristine Blanco, at O.M. France Vianna na kilala sa pagkukuwento sa pamamagitan ng grapika, disenyo, ilustrasyon, at maging ng video sa kanyang pagtatanghal. Aking isang-isang itatampok ang mga naturang alagad ng sining sa mga susunod na isyu ng The Filipino
American Post. Mainit din ang pagtangkilik ng mga mahiligin sa pagbabasa sa kanilang pagbuklat at pagbili ng mga aklat na inakda ng mga manunulat na Pilipino at FilAm. Nagpapasalamat akong naisakatuparan ang paglulunsad sa Pistahan ng aking mga inakdang aklat na Tempest: Eye in the Storm, Pateros In My Spirit, Tale of Two Pateros, at ONLINE: Flickered Journey na pawang mga eBook din. (Tunghayan ang mga larawan sa Art Pavilion ng Pistahan sa isyung ito.)
Nakalulugod malasin ang pag-indak sa tanghalan ng mga kababaihang mananayaw na kasing-tanda ko o may ilang sitenta anyos na subalit patuloy pa ring naghahandog ng aliw sa taunang Pistahan hanggang makakaya nilang itaguyod ang sining ng pagsasayaw. Kumpleto sa kolorete sa kanilang mga nangungulubot na mukha at eleganteng sinaunang Pilipinang pananamit na aking kinagiliwan habang kami ay nananghalian ng adobong manok at pinakbet sa Pistahan Hospitality Center. Hindi mo mararamdaman ang kanilang katandaan sa dulot na kasiyahan ng patuloy pa rin nilang pagpapamalas sa madlang manonood, laluna sa mga kabataang FilAm. Binubuhay nila ang kalinangang Pilipino sa kanilang bawat pag-indayog sa salim ng katutubong musika, tulad ng mga ibang nakababatang pangkat na nagtanghal sa 29th Pistahan. Mabuhay kayo, mga kababayang mananayaw.
The organizers of the 29th Pistahan Parade and Festival headed by its President Al Perez, also President of the Filipino American Arts Exposition, Hermana Mayor Cheryl Cuasay Catuar, and Grand Marshall Atty Kevin Benedicto who is presently San Francisco Police Commissioner, heap praise for all the performers, exhibitors, sponsors, and volunteers who triumphantly brought back the live international celebration of Filipino community, culture, and cuisine.
See you next year, mga KaFilAm!
(You may correspond with Dual Voice thru [email protected])